Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek na sina: Makapudi Akmad Sarip; Cosari Balindong; Jalaludin Balindong at Salahudin Didaagun habang tinutugis naman ng militar ang nakatakas na lider na si Camaludin Didaagun alyas Commander Blackstar.
Kinilala naman ni Brig. Gen. Ben Dolorfino, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Forced Ranao ang biktimang si Sultan Jamail Rogong ng Barangay Bangon, Marawi City.
Kinumpirma ni Dolorfino, na makaraang bumagsak ang negosasyon sa halagang P1.5-milyong ransom para mapalaya ang biktima ay nagdesisyon ang mga kidnaper na lumipat sa bayan ng Ganassi mula sa pinagkukutaan sa Barangay Barit, Pualas, Lanao del Sur.
Napag-alaman pa sa ulat, na nakatiyempo ang biktima na makatalon sa sasakyan ng mga kidnaper habang dumaraan sa checkpoint at namataan naman ng mga nagpapatrulyang military na ikinadakip ng mga suspek bandang alas-9:45 ng gabi noong Linggo.
Magugunitang ang biktima ay kinidnap noong Abril 7, 2005 sa Marawi City at nakipag-ugnayan sa pamilya hanggang sa masakote ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)