^

Probinsiya

4 kidnaper tiklo, trader nailigtas

-
CAMP AGUINALDO — Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng lokal na sindikato ng kidnapping ang nadakma ng mga awtoridad habang nailigtas naman ang biktimang negosyante sa isang checkpoint na sakop ng Barangay Matling, Malabang, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek na sina: Makapudi Akmad Sarip; Cosari Balindong; Jalaludin Balindong at Salahudin Didaagun habang tinutugis naman ng militar ang nakatakas na lider na si Camaludin Didaagun alyas Commander Blackstar.

Kinilala naman ni Brig. Gen. Ben Dolorfino, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Forced Ranao ang biktimang si Sultan Jamail Rogong ng Barangay Bangon, Marawi City.

Kinumpirma ni Dolorfino, na makaraang bumagsak ang negosasyon sa halagang P1.5-milyong ransom para mapalaya ang biktima ay nagdesisyon ang mga kidnaper na lumipat sa bayan ng Ganassi mula sa pinagkukutaan sa Barangay Barit, Pualas, Lanao del Sur.

Napag-alaman pa sa ulat, na nakatiyempo ang biktima na makatalon sa sasakyan ng mga kidnaper habang dumaraan sa checkpoint at namataan naman ng mga nagpapatrulyang military na ikinadakip ng mga suspek bandang alas-9:45 ng gabi noong Linggo.

Magugunitang ang biktima ay kinidnap noong Abril 7, 2005 sa Marawi City at nakipag-ugnayan sa pamilya hanggang sa masakote ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY BANGON

BARANGAY BARIT

BARANGAY MATLING

BEN DOLORFINO

CAMALUDIN DIDAAGUN

COMMANDER BLACKSTAR

COSARI BALINDONG

JALALUDIN BALINDONG

JOINT TASK FORCED RANAO

MARAWI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with