Magtiya minasaker
April 11, 2005 | 12:00am
Cuenca, Batangas Pinaslang sa saksak ang dalawang babaeng magtiyahin ng di pa nakilalang mga suspek matapos ang mga itong matagpuang duguan sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Chief Inspector Dionisio Faltado, hepe ng Cuenca PNP ang mga biktimang sina Angelita Larosa, 32 at ang tiya nitong si Marcelina Mendez, 68 anyos; pawang residente ng Brgy. Dita at may-ari ng isang sari-sari store.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-6 ng umaga ng madiskubre ang krimen kung saan ay kapwa dead-on-the spot ang dalawang biktima matapos na magtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.
Kaugnay nito, isang tinukoy sa pangalang Reynaldo Marasigan ang agad inimbitahan ng pulisya na umanoy posibleng may kinalaman sa krimen.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest