Trike vs trike: 1 dedo, 5 sugatan

NUEVA ECIJA – Isang 27-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi habang lima pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang traysikel sa kahabaan ng provincial road na sakop ng Barangay Pinagpaanan, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ronald Oriel ng Barangay Bugtong na Buli, habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital ang mga sugatang biktimang sina Romeo Orlando; Richard dela Cruz; Jessie Joaquin; Crispin Agustin; at Ramil Agustin na pawang naninirahan sa Barangay Paludpod. Ang traysikel na may plakang XD-3447 ay sumalpok sa traysikel (RB-4575) na minamaneho ng biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments