Araw ng Kagitingan sa Bataan nairaos
April 10, 2005 | 12:00am
PILAR, Bataan Pinangunahan nina Vice-President Noli de Castro; Ambassador Ryukirro Yamasaki ng Japan; Rep. Ambasador Josep Mussomili ng United States; Col. Rafael Estrada ng national commander of Bataan Corregidor; Col. Emmanuel de Ocampo, president Veterans Federation of the Philippines; Atty. Eduardo Pilapil, pres. VFP Sons and Daughters Ass., Inc. at mga beterano ang paggunita ng ika-63 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan kahapon sa tuktok ng Mt. Samat sa Barangay Diwa Pilar, Bataan.
Sa 1,500-katao na dumalo ay agad na sinimulan nina de Castro, Ambasador Yamasaki ng Japan at US Ambasador Mussomili ang pag-aalay ng bulaklak sa Dambana ng Kagitingan sa tuktok ng Mt. Samat dakong alas-9:45 ng umaga.
Sa talumpati ni Bataan Governor Enrique Garcia ay sinabi nitong, "hindi magiging sapat ang pagkakilala at pagpupugay kung tayo ay tututok lamang sa mga seremonya at programa, gaya nitong ginaganap natin."
Idinagdag pa ni Garcia, na sa loob ng 6-taon ay nakapagbigay ng anim na milyong trabaho ang Robush Development Techno Park sa Morong, Bataan, ang konstruksyon ng San Miguel Corp. sa isang kompanya sa Asya na pabrika ng pagkain ng hayop na itinayo sa Mariveles, at ang development ng Ayala Land World Class residential resort sa Morong ay ilan lang sa mga napagawa ng pamahalaang lokal sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Nakahanda rin ngayon ang konstruksyon ng mga school building na aabutin sa 300 milyong school building program para mapunan lahat ang kakulangan ng mga mag-aaral sa Bataan.
Samantala, ipinahayag naman ng isa sa mga beteranong ayaw magpabanggit ng pangalan na taun-taon na lamang silang pinangangakuan ng gobyerno at sila ay sawa na sa pangako, paano kung mamatay na sila? (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended