^

Probinsiya

Ilegal na transaksyon sa SBMA itinatago

-
SUBIC BAY FREEPORT – Dapat isailalim sa lifestyle check ang ilang empleyado maging ang mga tiwaling opisyal ng Seaport Department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos maibulgar ang malawakang anomalya kung saan umaabot sa milyong piso ang kinikita sa ilegal na transaksyon sa nabanggit na departamento.

Ito ay matapos maibunyag ng pahayagang ito ang tamalak na kurapsyon sa SBMA partikular sa processing division at asycuda section ng Seaport Department na ilegal na nagbebenta ng green lane zone permit sa mga locator at importers na may balak magpuslit ng kontrabando.

Ayon sa impormante, dapat isailalim sa masusing lifestyle check ang ilang opisyal na siyang humahawak ng maseselang posisyon sa asycuda section at cargo division ng Seaport Department.

Isa sa opisyal na may maselang tungkulin ang napag-alaman na nakapagpatayo na kaagad ng bahay sa ekslusibong subdivision sa Barangay Pinulot, Dinalupihan, Bataan na nagkakahalaga ng milyong piso at may nagkaroon nang bagong kotse sa kabila ng kakarampot na sahod nito na P15, 000 kada buwan.

Subalit sa kabila ng pagbubunyag sa malawakang anomalya at pagkakasangkot ng ilang tiwaling opisyal sa ilegal na transaksyon ay tila hindi maaksyunan nina Ernesto Paguyo, gen. manager ng Seaport Department at deputy administrator for Seaport Operation ret. Gen. Percival Zubala ang modus operandi sa loob ng naturang tanggapan.

Idinagdag pa ng source, na pilit na lamang pinapapatay ni Paguyo ang isyu ng anomalya sa loob ng kanilang departamento at narinig na sinabi nitong "patayin n’yo na yang isyung yan, kundi ay malilintikan tayo kay Gen. Calimlim!"

Sinasabing may milyong pisong halaga ng mga kontrabando ang hindi nabayaran sa tamang buwis ang naipuslit na sa Freeport dahil sa malayang nakakakuha ang mga ito ng clearance permit mula sa Seaport Department sa ilegal na paraan sa asycuda section sa halagang P1,000 lamang. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PINULOT

CALIMLIM

DAPAT

ERNESTO PAGUYO

JEFF TOMBADO

PERCIVAL ZUBALA

SEAPORT DEPARTMENT

SEAPORT OPERATION

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with