2 bolt-cutter gang napatay
April 9, 2005 | 12:00am
LIPA CITY Dalawang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na bolt-cutter gang ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya habang nagnanakaw ng mga gamit-bahay sa bahagi ng Park Avenue, City Park Subdivision, Barangay Sabanag Lipa City, Batangas kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio , hepe ng Lipa City PNP, ang mga napatay na suspek na sina Joseph Augusto, 39, ng Libmanan, Camarines Sur at Fernando Lacida, alyas Labamba ng Maynila. Sa pagsisiyasat, rumesponde ang mga kagawad ng pulisya sa naturang lugar sa pangunguna ni SPO3 Angelito Silva dahil sa natanggap na sumbong at naaktuhan ang dalawa na naglalabas ng mga gamit hanggang sa maganap ang barilan na ikinasawi ng mga suspek. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest