Mag-utol dinedo ng magnanakaw
April 9, 2005 | 12:00am
GUINYANGAN, Quezon Kapwa pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-utol ng dalawang hindi kilalang lalaki makaraang pasukin ang bahay ng mga biktima sa Barangay Capuluan Tulon ang nasabing bayan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Valentin, 31 at Candido Calayag y Cueto, 27, habang sugatan naman ang kanilang ina na si Fabiana na ginulpi ng dalawang magnanakaw.
Sa ulat ng pulisya, nakatayo ang mag-utol sa beranda ng kanilang bahay kasama ang kaibigan si Reynor Montefolka nang biglang pumasok ang mga suspek. Agad na pinaputukan ang mag-utol habang nakatakbo naman palabas ng bahay si Montefolka.
Natangay naman ng mga magnanakaw ang P.1-milyon matapos na limasin ang bahay ng pamilya Calayag bandang alas-6 ng gabi. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest