Hepe ng DOTC patay sa ambush
April 9, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tinambangan at napatay ang isang district head ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ng naka-motorsiklong kalalakihan na ikinasugat ng malubha ng kanyang misis sa naganap na karahasan noong Huwebes ng gabi sa panulukan ng Sinsuat Avenue at Sierra Street na sakop ng Cotabato City. Napuruhan ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Eleazar Sambra ng San Pablo Village, Rosary Height, Cotabato City habang ginagamot naman sa Cotabato Medical Specialist Hospital si Baycela Amor Sambra.
Sa ulat ni Armys 6th Infantry Division chief Major Gen. Raul Relano, naitala ang pananambang bandang alas-6:30 ng gabi habang sakay ng wrangler-type jeep ang mag-asawa. Dalawang anggulo ang kasalukuyang sinisilip ng pulisya na may kaugnayan sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended