Mag-aaral nalunod sa lawa

ANTIPOLO CITY – Isang 21-anyos na estudyante ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa engkantadong lawa na sakop ng Barangay San Juan ng lungsod na ito. Ang biktimang naligo sa lawa kasama ang ilang kaibigan ay nakilalang si Rosauro Pascual Jr., ng Block 2 Lot 6, Bagong Nayon Street, Barangay Isidro.

Ayon sa pulisya, ang bangkay ng biktima ay nasisid matapos ang dalawang oras na paghahanap ng mga kaibigan matapos na maiwan sa lawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments