Amok: Pulis, 1 pa patay
April 8, 2005 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Napaslang ang isang kagawad ng pulisya at isang 34-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng barangay captain na nag-amok noong Biyernes sa Sitio Algod, Barangay Poblacion, Lubuagan, Kalinga.
Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni PO1 Victor Tallog ng PNP Regional Mobile Group-Cordillera at Erlinda Bungot na kapwa residente ng Barangay Mabilong, Lubuagan. Samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Barangay Captain Hilvis Busol.
Ayon kay P/Supt. James Dogao, Kalinga PNP provincial director, kasalukuyang naglalakad papauwi ang biktimang si PO1 Tallog mula sa trabaho nang makasalubong ang nag-aamok na suspek hawak ang baril at agad na pinaputukan ang mga biktima.
Hindi pa nakuntento ay kinuha pa ng suspek ang M16 rifle mula sa sariling bahay at bumalik sa crime scene bago muling pinaputukan ang duguang nakabulagtang pulis.
Nang marinig ni Bungot ang sunud-sunod na putok ng baril ay agad itong lumabas ng kanyang bahay.
Agad na sinulubong ng suspek si Bungot at pinaputukan din ng M16 rifle.
"Posibleng may kaugnayan ang insidente sa matagal na alitan ng pamilya ng pulis laban sa suspek," dagdag pa ni Dogao.
Pormal na nagsampa ng kasong double murder sa prosecutors office ang pulisya laban sa tinutugis na suspek. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest