Kabilang sa mga biktimang nasawi ay nakilalang sina: Malou Palomares, 27; Edgar Neala, 32, kapwa residente ng Tagkawayan, Quezon; Mauricio Alvarez, 28, ng Sta. Rosa, Laguna, at dalawang bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Ginagamot naman sa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna, ang mga sugatang biktima na sina: Jose de Sagun; Marian Sanlindato; Mary Joy Gappe; Jose Buen; Reynaldo Pagadura; Efren Gumalas; Maria Lota Maloles; Arnel De Ocampo; Maria Victoria Bilon; Robert Francis Bana at Prima Duldulan. Nasa Biñan Doctors Hospital naman sina: Josefino Dela Cruz; Jamie Casilang; Jerico Borja; Laurence Angelo; Reca Aguilar at Rosita Aguilar.
Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Apolinar Felipe, director ng Regional Traffic Management Office -4, naitala ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon makaraang sumalpok ang dyip sa pine tree sa loob ng South Luzon Expressway.
Ayon sa impormasyon nakalap ng pulisya sa mga nakasaksi, nakaidlip ang drayber na si Josefino Dela Cruz na patungong Calamba City mula sa Alabang kaya sumalpok sa puno ang sasakyang may plakang DFF-183.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng dyip dahil sa pagkamatay ng limang sibilyan, ayon sa pulisya. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)