2 negosyante pinatay

CAVITE – Dalawang negosyante ang iniulat na pinatay ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Amadeo at Tanza, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Manuel Canlas, 57, presidente ng Industrial Galvanizer Incorp at residente ng Barangay Conchu, Trece Martirez City at Rogelio Mintu, 45, ng Land Mass Park, Barangay Biga, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, si Mintu ay binaril sa ulo habang naniningil ng pautang sa fish terminal bandang alas-10:45 ng umaga, samantalang si Canlas ay dinukot bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki sa Sitio Pasong Kabayo sa Barangay Pangil, Amadeo, Cavite. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

Show comments