3 holdaper todas sa barilan
April 2, 2005 | 12:00am
BULACAN Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilabot na holdaper at drug pusher ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na kagawad ng pulisya sa hangganan ng Barangay San Jose at Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.
Ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at namataang katatapos lamang makipagnegosasyon sa ipinagbabawal na droga nang makipaghabulan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis- Bulacan.
Nakilala lamang sa alyas Amang Junior, Rodolfo Vinega at alyas Bato ang mga napatay na suspek na pawang miyembro ng Amma Bahala na Gang.
Base sa record ng pulisya, ang naturang grupo ay pinamumunuan ng isang alyas Jay-R na sangkot sa serye ng holdapan sa buong lalawigan ng Bulacan at isa ring notoryus na nagpapakalat ng droga. Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Chief Supt. Rowland Albano, PNP regional offfice director, narekober sa mga suspek ang tatlong baril, 150 gramo ng shabu at motorsiklong may plakang RL-3667. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng pulisya upang masakote ang iba pang kasamahan ng mga napaslang na suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest