FX vs bus: 6 katao patay
April 2, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Anim na miyembro ng pamilya Gasatan ng Laoag City ang iniulat na nasawi habang labindalawa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang Toyota Tamaraw FX at minibus sa kahabaan ng national road na sakop ng Barangay Bantay Abot sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nasawing biktima na may apelyidong Gasatan na sina SPO2 Rufino Gasatan; Maria; Anabelle; Andres Jude Constantino; Allen at Vi-ann.
Samantala, sina Joel Ramil at Maureen Gasatan ay nanatiling nasa kritikal na kondisyon sa pinagdalhang ospital.
Napag-alaman, na si SPO2 Rufino Gasatan, 46, ay nakatalaga sa PNP Security Protection Office sa Camp Crame, habang si Maria at Annabel ay kapwa balikbayan.
Ang pamilya Gasatan ay patungong Laoag City nang maganap ang malagim na sakuna noong Huwebes ng hapon bandang alas- 4.
Base sa impormasyon nakalap ni P/Senior inspector Orly Pagaduan, hepe ng Narvacan PNP, matulin ang pagpapatakbo ng Tamaraw FX nang masalpok ng West Angel minibus na minamaneho ni Marlon Asierto.
Pinaniniwalaan naman ng mga imbestigador ng pulisya na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng Tamaraw kaya aksidenteng sumalpok sa kasalubong na bus. (Ulat nina Joy Cantos at Andy Zapata Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended