Sarhento tinambangan, dedo
April 1, 2005 | 12:00am
QUEZON Tinambangan at napatay ang isang sarhento ng Philippine Army ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na ikinasugat din ng dalawa-katao habang ang biktima ay nagsasagawa ng paniniktik sa bahagi ng Sitio Boulevard, Barangay San Francisco, Lopez, Quezon kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Sgt. Leston Guzman, detachment commander ng 59th Infantry Battalion na nakabase sa nabanggit na barangay. Ginagamot naman sa ospital sina Joel Alano, kasapi ng Cafgu at Reggie Edora, na tinamaan ng ligaw na bala ng baril. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest