^

Probinsiya

2 konsehal, di pinayagan ng korte na manungkulan

-
SOLANO, Nueva Vizcaya – Dalawang konsehal na miyembro ng Sanguniang Bayan ang hinarangan ng Regional Trial Court kamakalawa na manungkulan dahil kwestiyonableng appointments ng dalawa bilang bahagi ng municipal council sa bayang ito.

Ang dalawang miyembro ng council na binigyan ng temporary restraining order (TRO) ni Judge Jose Rosales ng RTC Branch 27-Bayombong ng 72-oras ay sina Ferdinand Beting at Philami Galima-Uy Lim na inatasang huwag munang makibahagi sa kanilang lingguhang regular session.

Sina Beting at Uy ay kapwa nominado ng LDP na isalang sa dalawang bakanteng posisyon dahil sa pagkamatay ni Councilor Cely Beting noong Jan. 29, 2005 at ang pag-angat naman ni Councilor Helen Dacayo na ngayon ay vice mayor dahil naman sa pagkamatay ni dating Mayor Heraldo Dacayo noong 2004.

Napag-alamang si Governor Luisa Lloren-Cuaresma, LDP member, ang nag-apruba sa appointment nina Beting at Uy na binabatikos naman ng partido Lakas.

Nabatid na maituturing na independent party ang LDP dito matapos nilang suportahan ang Lacson Wing noong panahon ng eleksyon at hindi ang LDP-Angara wing. (Ulat ni Victor P. Martin)

COUNCILOR CELY BETING

COUNCILOR HELEN DACAYO

FERDINAND BETING

GOVERNOR LUISA LLOREN-CUARESMA

JUDGE JOSE ROSALES

LACSON WING

MAYOR HERALDO DACAYO

NUEVA VIZCAYA

PHILAMI GALIMA-UY LIM

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with