Alkalde at inhinyero, kinasuhan dahil sa pagpapaganda ng kalsada
March 30, 2005 | 12:00am
SANTIAGO CITY Isang alkalde sa lungsod na ito at kanyang inhinyero ang nalalagay sa balag ng alanganin makaraang kasuhan dahil sa pagtataguyod ng isang proyekto na P5 milyon na itinuturing naman na road obstruction at labag sa batas.
Pormal na nagsampa ng kaukulang kaso sa tanggapan ng Ombudsman ng Luzon sina Engineer Fernando Salem at Mario O. Soledad ng ikaapat na distrito ng Isabela Engineering Office laban kina City Mayor Amelita Navarro at City Engineer Benedict Panganiban dahil sa proyekto ng alkalde na pagpapatayo ng mga boxes ng mga halaman at poste ng mga ilaw na umo-ukupa sa right of way ng kalsada partikular na sa national highway ng lungsod na ito.
"The said project is a violation of Section 23 of Presidential Decree No. 17, known as the National Building Code of the Philippines, which requires the prohibition of encroachments within the road-right-of-way limits, which ranges from a minimum of 15 meters in highly urbanized areas to maximum of 120 meters in naturally forested areas," nakasaad sa reklamo ng dalawang inhinyero na nakuha ng PSN.
Nakasaad din sa sinumpaang reklamo nina Salem at Soledad na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 4th district ng Isabela Engineering Office ay nauna ng nagbigay ng babala kay Navarro na ang pagpapatayo niya ng mga plant boxes at lamp post sa gilid ng right of way ng kalsada ay labag sa kasalukuyang batas, subalit itinuloy pa rin ng alkalde ang kanyang proyekto.
Iginiit din ng dalawa na ang pondo ng gobyerno na ginamit sa nasabing proyekto ay malaking aksaya at di pakikinabangan ng taumbayan, sapagkat ide-demolish din ito dahil sa ilegal ang kinatatayuan.
Di naman nakapagbigay ng pahayag si Mayor Navarro nang tawagan ng reporter na ito kaugnay sa kanyang proyekto dahil sa wala pa raw itong natatanggap na kopya ng nasabing reklamo laban sa kanya. (Ulat ni Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest