Sagupaan: ASG kumander todas

CAMP AGUINALDO – Hindi nakaligtas kay kamatayan ang itinuturing na Abu Sayyaf kumander makaraang makipagsagupaan sa mga tauhan ng 17th Civilian Active Auxiliary at Army’s 18th Infantry Battalion sa liblib na bahagi ng Sitio Canas, Barangay Upper Bato-Bato, Tuburan, Basilan kamakalawa.

Kinilala ng military ang napatay na bandidong Abu Sayyaf na si Commander Tawasil Sandatal Anjatal na kabilang sa pugante sa madugong jailbreak sa Basilan Provincial Jail noong Abril 2004. Ayon sa ulat, napaslang si Anjatal matapos ang limang minutong bakbakan sa pinaigting na pagpapatrulya ng military laban sa grupong bandido sa nasabing bayan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments