Nakonsensiya: Suspek sa rape/slay sumuko

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dating bilanggo na pinaniniwalaang binagabag ng budhi sa ginawang brutal na pagpatay at panghahalay laban sa isang nene ang sumuko sa barangay captain ng Tinawagan, Tigaon, Camarines Sur, kahapon.

Ang suspek na umamin sa ginawang krimen ay nakilalang si Leberato Pentecostes, 46, binata at residente ng Sitio Kinamarinan ng nabanggit na barangay.

Base sa record ng pulisya, ang suspek ay nakulong na ng 21-taong sa kasong murder at nabigyan ng absolute pardon ng pamahalaan.

Ayon sa ulat, si Pentecostes ay responsable sa panghahalay at pagpatay sa biktimang si Vivian Vargas na unang iniulat ng kanyang mga magulang na nawawala.

Nadiskubre ang bangkay ng 7-taong gulang na babae sa liblib na bahagi ng plantasyon ng mais kamakalawa ng umaga.

Dahil sa pagkakalathala ng krimen sa pahayagan at nabasa ng suspek ay hindi na mapagkatulog at binagabag ng budhi hanggang sa magdesisyong sumuko kay Barangay Captain Elorde Espinosa ng Brgy. Tinawagan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments