^

Probinsiya

Reporter inutas sa harap ng mga anak

-
CAMP CRAME – Muli pang humaba ang listahan ng mga disipulo ng pamamahayag na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa malayang pamamahayag nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa tinutukoy na mga suspek ang isang lady reporter noong Huwebes Santo ng gabi sa loob ng tahanan nito sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Marlene Esperat, 45, ng Midland Print Media at residente ng Canos Subdivision, Brgy. New Isabela, Tacurong City.

Batay sa ulat na natanggap ng Philippine Nat’l Police Headquarters (PNP HQ), naganap ang insidenteng nasaksihan pa umano ng mga anak ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng bahay nito.

Nabatid pa sa ulat na bago naganap ang pamamaslang ay madalas umanong nakikitang nag-uusap ang biktima at ang hindi pa pinapangalanang mga suspek .

Hindi naman malinaw sa natanggap na ulat kung ano ang kaugnayan ng biktima sa mga suspek.

Nakatakdang magpalabas ng artist sketch ang pulisya laban sa mga hinihinalang supek.

Si Esperat ay lumilitaw na ika-70 sa mga napaslang na mamamahayag simula pa noong 1986 at pinakahuling ‘itinumba’ sa lalawigan ng Sultan Kudarat na mabilis na nakikilala bilang ‘killing fields’ ng mga taga-media. (Ulat ni Angie dela Cruz)

CANOS SUBDIVISION

HUWEBES SANTO

MARLENE ESPERAT

MIDLAND PRINT MEDIA

NEW ISABELA

PHILIPPINE NAT

POLICE HEADQUARTERS

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with