Grade 1 pupil pinilahan at pinatay
March 27, 2005 | 12:00am
Legazpi City Isang grade 1 pupil ang pinaniniwalaang ginahasa at saka pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Brgy. Tinawagan Tigaon, Camarines Sur.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Vivian Vargas ay natagpuang nakahandusay sa isang plantasyon ng mais dakong alas-8 ng umaga.
Nauna dito, nabatid na pinaghahanap ang biktima ng kanyang mga magulang matapos itong magpaalam na makikipaglaro sa kanyang mga kaibigan noong Huwebes Santo.
Lubhang nabahala ang mga magulang ng biktima nang hatinggabi na ay hindi pa rin dumarating ang biktima.
Agad na nagsagawa ng paghahanap ang mga awtoridad at laking gulat nila ng makitang nakahandusay ang bangkay ng biktima sa nasabing taniman.
Mabilis namanng isinailalim sa awtopsiya ang biktima kung saan lumilitaw na positibo itong ginahasa at saka pinatay ng mga suspek.
May teorya ang pulisya na posibleng kilala ng biktima ang mga suspek kung kayat pinatay na lamang ng huli ang una upang hindi na makapagsumbong pa. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended