Trader natangayan ng P.1-M
March 24, 2005 | 12:00am
BULACAN Isang 50-anyos na negosyante ang hinoldap at napagnakawan ng P.1 milyon ng tatlong armadong lalaki habang ang biktima ay nagmamaneho ng sasakyan sa highway na sakop ng Barangay Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan, kamakalawa. Ang biktimang hinoldap ay nakilalang si Augusto Alfonso, samantalang isa sa holdaper ay nakilalang si Jericho Serrano matapos na maituro ng biktima sa photo gallery ng mga wanted person. May teorya ang pulisya na sinundan ng mga suspek sakay ng motosiklo ang biktima na nag-withdraw ng malaking halaga sa banko. (Ulat ni Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended