^

Probinsiya

2 patay, 26 pa sugatan sa road mishap

-
CAMP CRAME – Dalawa katao ang nasawi habang 26 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang multicab at kasalubong nitong pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Inagdangan Sur, Zarraga, Iloilo kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Armando Ibañez at Alson Dionson na kapwa residente ng Bacolod City at empleyado ng isang kumpanya na nagbebenta ng pitu-pito herbal products.

Si Ibañez, driver ng multicab ay dead-on-the-spot sa insidente habang si Dioson ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa West Visayas State University sa Iloilo.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng gabi nang magsalpukan ang dalawang behikulo sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar.

Lumilitaw na nilagpasan ng multicab ni Ibañez ang isa pang behikulo na nagbunsod sa pagbangga nito sa kasalubong na pampasaherong jeepney na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALSON DIONSON

ARMANDO IBA

BACOLOD CITY

BATAY

BRGY

ILOILO

INAGDANGAN SUR

JOY CANTOS

SI IBA

WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with