Mag-utol na ‘holdaper,’ tiklo

BULACAN – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang mag-utol na pinaniniwalaang holdaper makaraang ireklamo ng anim na pasahero ng van sa Barangay Malis, Guiguinto, Bulacan kamakalawa. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Remy Cruz, 34 at Ronald Cruz, 31, na kapwa naninirahan sa Don Crispulo Street, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Ayon kay SPO4 Benny Hernandez, naitala ang panghoholdap, dakong alas-7:45 ng gabi habang sakay ang mga biktima sa Toyota Revo (XMU-916) na minamaneho ng isa sa suspek na si Remy Cruz at ang alalay na si Ronald. Nabawi ang mga ari-arian at pera ng mga biktima matapos na magsagawa ng operasyon ang pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments