Pulis napatay ng mga holdaper
March 23, 2005 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Tinambangan at napatay ang isang tauhan ng pulisya ng mga maskaradong kalalakihan makaraang makisakay ang biktima sa Ford Ranger na pag-aari ng kanyang kamag-anak sa Purok 4, Barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte kahapon ng tanghali.
Napuruhan sa leeg ang biktimang si SPO1 Emeterio "Boyet" Bueno, 45, ng Bagasbas Road, Daet, Camarines Norte at nakatalaga sa Daet PNP bilang intelligence officer.
Sa isinumiteng imbestigasyon kay P/Inspector Eugenio Extremadura, police chief ng Paracale, nakisakay ang biktima sa sasakyang Ford Ranger (ASY-222) na pag-aari ni Nga Song Sy Yao at may-ari ng Jeremy Commercial sa J. Lukban Street, Daet.
Makaraan ang ilang minutong paglalakbay, pagdating sa nasabing lugar, apat na kalalakihang maskarado na sakay ng motorsiklo ang humarang sa naturang sasakyan bago pinaulanan ng bala ng baril na ikinasawi ng biktima, samantalang sina Delia Ponayo, Lucy Baluca at drayber na si Baltazar Castillo ay hindi tinamaan.
Bago tumakas ng mga armadong kalalakihan ay tinangay ang bag na naglalaman ng P.2 milyon at tatlong cell phone, subalit sa ulat ng Camp Simeon Ola, hindi nakuha ang naturang halaga dahil naitago sa ilalim ng upuan.
May posibilidad na minamatyagan ang ruta ng Ford Ranger na nangongolekta ng pautang sa mga sari-sari store sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Ayon kay P/Sr. Supt. Efren Yebra, walang makitang anggulo ng paglikida kay Bueno at posibleng nadamay lamang sa holdap dahil matapos na mapatay ang biktima ay agad na hinanap ng mga killer ang bag na naglalaman ng malaking salapi buhat sa collection. (Ulat nina Francis Elevado at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest