P2.1-M marijuana nasamsam

CAMP CRAME — Aabot sa P2.1 milyong marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Tampakan pulis, Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at Army’s 6th Infantry Division makaraang salakayin ang malawak na plantasyon ng bawal na halaman sa Sitio Bongsbang, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato kamakalawa. Ayon sa ulat, nakatakas ang mga suspek na itinuturong cultivator ng plantasyon na sina Bulig Mikawayan at Noel Dinamilan. Aabot sa 6,000 punong marijuana at binhi ang nasamsam ng mga awtoridad matapos na ituro ng asset ng pamahalaan ang naturang plantasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments