Seguridad sa mga terminal ng bus sa Gapo pinaigting
March 22, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY May 500 tauhan ng pulisya mula sa Olongapo City Police Office (OCPO) ang ipinakalat sa mga pangunahing instalasyon sa lungsod partikular sa mga terminal ng pampasaherong bus kaugnay sa paghihigpit ng seguridad laban sa anumang banta ng terorismo ngayong Semana Santa.
Ayon kay OCPO Director Senior Supt. Florencio Buentipo Jr., ang naturang pagkilos ng pulisya at ng ilang kumpanya sa pagpapaigting ng seguridad sa mga istasyon ng bus ay bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan na maging alerto laban sa mga gumagalang terorista na posibleng maghasik ng karahasan ngayong Mahal na Araw.
Sa panayam ng PSN kay Mar David, station master ng kumpanyang Victory Liner Inc., nagsagawa na ng routine check-up ang kanilang mga security officers sa mga pasahero at maging ang mga bagahe ay mahigpit na iniinspeksyon bago umakyat ng bus upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasahero na bumibiyahe.
"Inaasahan namin ang daan-daang pasahero na dadagsa ngayong Semana Santa sa mga terminal ng pampasaherong bus para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya," pahayag pa ni David.
Maliban sa dagdag na seguridad na kanilang ipinatupad, tiniyak din ni David na may sapat na bus na pawang nasa pinakamabuting kondisyon ang bibiyahe kahit Huwebes at Biyernes Santo. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest