Abu Sayyaf bomber timbog
March 21, 2005 | 12:00am
Camp Aguinaldo Nalambat ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang bomb expert ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa pambobomba sa General Santos City noong Pebrero 14 na ikinasawi ng 3 katao habang 33 pa ang nasugatan sa isinagawang operasyon sa Glan, Sarangani kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Andy Budiang, diumanoy miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nahaharap sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder sanhi ng pambobomba sa lungsod.
Batay sa ulat ang suspek ay dinakip bandang alas-10:45 ng gabi sa Purok 4, Poblacion, Glan, Sarangani sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Arcanghel ng Branch 12 ng 11th Judicial Region, Davao City.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad ang nasakoteng suspek na sangkot sa serye ng pambobomba sa lungsod ng General Santos City.
Magugunita na noong Pebrero 14 ay niyanig ng pagsabog ang harapan ng Gaisano mall sa General Santos City na isa sa tatlong insidente ng madugong pambobomba na naitala noong Valentines day matapos na yanigin rin ng pagsabog ang lungsod ng Makati at Davao na ikinasawi ng kabuuang 8 katao habang mahigit naman sa 100 ang nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest