Guwardiya ginulpi ng tauhan ni Calimlim
March 20, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Isang tauhan ng Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang iniulat na pinahirapan at binugbog ng kanyang nakatataas na opisyal dahil lamang sa paninita sa kaibigan nitong nagpupuslit ng isang kabang bigas noong nakaraang Biyernes ng umaga, Marso 11, 2005.
Nakatakdang magharap ng reklamo si LED security police officer Fanky Manuel laban sa hepe nitong si ret. Army Col. Jaime Calunsag dahil sa ginawang pagpapahirap at pambubugbog sa kanya sa loob mismo ng opisina nito sa LED headquarters sa building 657, Subic Bay Freeport.
Sa ulat, nagbabantay sa exit gate ng Naval Supply Depot (NSD) si Manuel kasama ang iba pang LED security officers na sina Esteban at Pelisorio.
Sinita ni Manuel at pinahinto ang isang papalabas na kulay abong Mitsubishi Lancer na minamaneho ni Jericho Nepomuceno dahil sa nadiskubreng isang kabang bigas na walang dalang clearance para sa bigas na inilalabas nito.
Nang kuwestiyunin ni Manuel si Nepomuceno ay hindi ito, sumagot, bagkus ay kinontak si Calunsag sa kanyang cell phone at ng makausap ay iniaabot ang telepono kay Manuel, subalit tumanggi ang naturang security officer.
Galit na ipinatawag ni Calunsag sina Manuel at Esteban sa kanyang tanggapan at pagkadating ay kaagad na kinompronta kasabay ang sunud-sunod na pagsuntok sa dibdib ni Manuel at pinahirapan pa sa pamamagitan ng pagpu-push up ng 100-beses. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest