Ito ang lumalabas sa petition paper na pinipirmahan ng mga residente na ayaw na maging Smokey Mountain ang kanilang lugar.
Ayon kay Mrs. Marcia Espinoza Ramos, ina ni Asst. Solicitor General Renan Ramos, spokesman ng grupo na kontra sa dumpsite, gagawin nila ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang pagtambak ng basura.
At nagbabala si Ramos na kakasuhan nila sa Ombudsman ang sinumang city official na may kinalaman sa biglang paglalagay ng dumpsite na walang public consultation.
Nabatid na nito lamang buwan ng Pebrero nabili ng city government ng 7.8 ektaryang proposed dumpsite sa Sitio Bagong Buhay, Macatbong, Cabanatuan City.
Napag-alaman na kaya pala nagmamadali ang city government na tapunan ng basura ang Brgy. Macatbong ay sa dahilang isasara na ng DENR ang 50 year old dumpsite sa Brgy. Valle Cruz sa Marso 23, 2005.
Ayon sa isa sa pumirma ng petition kontra sa dumpsite sa Macatbong ay nagulat na lang sila sa nabasa sa local na diyaryo na ang kanilang lugar ang gagawing Smokey Mountain dito sa Cabanatuan City na hindi man umano sila kinunsulta. (Ulat Christian Ryan Sta. Ana)