^

Probinsiya

Dumpsite sa Cabanatuan pinepetisyon

-
CABANATUAN CITY – Hindi umano papayag ang mga residente ng Barangay Macatbong na maging tambakan ng basura ng lungsod ang kanilang barangay.

Ito ang lumalabas sa petition paper na pinipirmahan ng mga residente na ayaw na maging Smokey Mountain ang kanilang lugar.

Ayon kay Mrs. Marcia Espinoza Ramos, ina ni Asst. Solicitor General Renan Ramos, spokesman ng grupo na kontra sa dumpsite, gagawin nila ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang pagtambak ng basura.

At nagbabala si Ramos na kakasuhan nila sa Ombudsman ang sinumang city official na may kinalaman sa biglang paglalagay ng dumpsite na walang public consultation.

Nabatid na nito lamang buwan ng Pebrero nabili ng city government ng 7.8 ektaryang proposed dumpsite sa Sitio Bagong Buhay, Macatbong, Cabanatuan City.

Napag-alaman na kaya pala nagmamadali ang city government na tapunan ng basura ang Brgy. Macatbong ay sa dahilang isasara na ng DENR ang 50 year old dumpsite sa Brgy. Valle Cruz sa Marso 23, 2005.

Ayon sa isa sa pumirma ng petition kontra sa dumpsite sa Macatbong ay nagulat na lang sila sa nabasa sa local na diyaryo na ang kanilang lugar ang gagawing Smokey Mountain dito sa Cabanatuan City na hindi man umano sila kinunsulta. (Ulat Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MACATBONG

BRGY

CABANATUAN CITY

MACATBONG

MRS. MARCIA ESPINOZA RAMOS

SITIO BAGONG BUHAY

SMOKEY MOUNTAIN

SOLICITOR GENERAL RENAN RAMOS

ULAT CHRISTIAN RYAN STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with