3 tinedyer nalunod sa beach resort

CAMP CRAME – Tatlong tinedyer ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa beach resort na sakop ng Davao del Sur kahapon ng umaga.

Kabilang sa nalunod na biktima ay nakilalang sina Michael Gutierrez, 19; Katherine Flores, 17; at Glenda Alcuena, 16, na pawang residente ng Barangay Kisulag, Sta. Maria, Davao del Sur. Pinaghahanap naman ang isa pang biktima na nakilalang si Macmac Gutierrez na pinaniniwalaang nalunod.

Lumilitaw sa imbestigasyon, nagkayayaang mag-swimming ang mga biktima sa naturang lugar.

Habang nasa kasayahan ang mga biktima ay biglang lumaki ang alon kaya napadpad sa malalim na bahagi ng beach resort at tuluyang nilamon ng tubig-dagat. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments