Naisugod pa sa Doctors Hospital sa Barangay H Concepcion ang biktimang si Loreto Pangilinan y de Paz alyas Ito, ngunit nasawi rin dahil sa tinamong anim na bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng umaga habang papasok ng kanyang bahay si Pangilinan nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki na nakamotorsiklong kulay pula at walang plaka.
Ang 70-anyos na negosyante ay naging board member bago maging bise gobernador sa nasabing lalawigan.
Sa kasalukuyan ay walang lumutang na saksi sa naganap na insidente at masusing sinisilip ng mga beteranong imbestigador ng pulisya ang ilang anggulo na maaaring maging motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ulat nina Angie dela Cruz at Christian Ryan Sta. Ana)