2 lider ng Anakpawis itinumba
March 18, 2005 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dalawang lider ng militanteng grupong Anakpawis ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki sa magkahiwalay na barangay sa Camarines Norte kamakalawa.
Kinilala ang mga itinumbang biktima na sina Joey Reyes, traysikel drayber at Ernesto Bang, magsasaka.
Si Reyes ay organizer ng Anakpawis sa Jose Panganiban, habang si Bang ay information officer sa Camarines Norte. Sa ulat ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, si Reyes ay binaril ng dalawang pasahero nito ng traysikel sa panulukan ng Brgy. Callero at Nakalaya noong Miyerkules ng hapon.
Binaril at napatay naman si Bang habang nakatayo sa harap ng sariling bahay sa Brgy. Malangkaw Basud, Labo, Camarines Norte.
Aabot na sa limang lider ng militanteng grupo ang napapatay na kinabibilangan nina Abelardo Ladera; Danilo Macapagal; Romeo Sanchez; Fr. William Tadena, at Fidelino Dacut. (Ulat nina Benjie Villa at Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest