Napilitang putulin ang serbisyo ng kuryente sa nasabing munisipalidad upang hindi na madagdagan pa ang pagkakautang nito, ayon sa ulat mula sa opisina ng Meralco na nakabase sa Malolos City.
Base sa talaan ng ingat-yaman sa bayang ito, umaabot lamang sa P.4milyon ang nabayaran sa Meralco, bukod pa ang pagkakautang na P1.3 milyon sa serbisyo ng tubig.
May 100 casual employees sa naturang munisipyo ang kasalukuyang hindi pa rin sumusuweldo.
Wala namang maibigay na paliwanag si Paombong Mayor Dominador Gonzales upang matugunan ang lumalalang problemang pampinansiyal. (Ulat ni Efren Alcantara)