Munisipyo pinutulan ng kuryente
March 17, 2005 | 12:00am
BULACAN Pinaniniwalaang aabot sa P5.6-milyong pagkakautang sa Manila Electric Company (Meralco) simula pa noong 2002 kaya tuluyang pinutulan nang kuryente ang lokal na pamahalaan ng Paombong, Bulacan.
Napilitang putulin ang serbisyo ng kuryente sa nasabing munisipalidad upang hindi na madagdagan pa ang pagkakautang nito, ayon sa ulat mula sa opisina ng Meralco na nakabase sa Malolos City.
Base sa talaan ng ingat-yaman sa bayang ito, umaabot lamang sa P.4milyon ang nabayaran sa Meralco, bukod pa ang pagkakautang na P1.3 milyon sa serbisyo ng tubig.
May 100 casual employees sa naturang munisipyo ang kasalukuyang hindi pa rin sumusuweldo.
Wala namang maibigay na paliwanag si Paombong Mayor Dominador Gonzales upang matugunan ang lumalalang problemang pampinansiyal. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest