Kapansin-pansin sa Lucena Grand Central Terminal, ang pinakamalaking terminal sa Southern Luzon, na walang gaanong pumapasok at lumalabas na mga bus upang maghatid ng mga pasahero.
Dalawang six by six truck naman ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) ang pinalabas ni SOLCOM Commander Lt. Gen. Pedro Cabuay na maghatid ng mga pasaherong walang masakyan patungo sa palabas ng lungsod.
Hindi naman gaanong naramdaman sa mga paaralan ang tigil pasada sapagkat karamihan sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay hindi na pinapasok ang mga estudyante.
Ayon kay Quezon PISTOL President Ton-Ton Chavez, tumalima sila sa panawagan ng kanilang mga kapwa driver sa Kamaynilaan na magsagawa ng tigil pasada kahapon upang iparating sa pamahalaan ang pagbasura sa oil deregulation at ang paghiling ng karagdagang singil sa pamasahe.
Nakisama rin sa tigil pasada ang Kilusang Magta-tricycle sa Lucena (KML) na pinamumunuan ni Lito Cantos ng kanyang atasan ang nasa 2000 miyembro na pansamantalang huwag bumiyahe. (Ulat ni Tony Sandoval)