2 inhinyero ng DPWH, sinibak
March 16, 2005 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Dalawang inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tuluyang sinibak kamakalawa sa tungkulin bilang project engineer sa lalawigang ito matapos masangkot tungkol sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga pangunahing bakal na nakalaan sa tulay na proyekto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang dalawang inhinyero na sinibak ni Rodolfo Alday, DPWH-director ng Cagayan Valley ay nakilalang sina Julito Paltep, project engineer at Danny Bernabe, resident engineer ng Maddiangat bridge, isa sa mga pangunahing proyekto ni Pangulong Arroyo.
Napag-alamang Si Paltep ay pinalitan ni Engr. Crisogono Dacena mula sa Region 2 Regional Office, samantalang si Bernabe naman ay pinalitan ni Engr. Rogelio Marata.
Ayon kay Alday, ipinag-utos niya ang pagkasibak ng dalawang engineer habang iniimbestigahan ang kasong administratibo laban sa kanila dahil umano sa pagkasangkot ng mga ito sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga bakal ng kanilang ginagawang tulay kabilang na rin ang driver at welder ng DPWH na si Redentor Agbayani at dalawang iba pa.
Iginiit naman ni Alday na kanilang tatapusin ang nasabing proyekto bago pumasok ang buwan ng Abril sa kabila ng anomalyang kinasasangkutan ng kanyang mga tauhan. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended