10 MILF rebels sumuko

CAMP AGUINALDO — Sampung rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na sumuko sa tropa ng Army’s 32nd Infantry Battalion sa Camp Uno, Lamitan, Basilan kamakalawa. Kabilang sa nagsisuko ay nakilalang sina: Otis; Otoh; Ismael; Man; Jamil; Totih; Sakib na pawang may apelyidong Adjani; Said Sahibdul; Jamad Asmaul Uzman at Salim N Jain.

Isinuko rin ng mga rebeldeng kasapi ng 2nd Unit Command, 108th Bangsa Islamic Armed Forces ng MILF ang kanilang malalakas na kalibre ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments