Executive sales manager sinalvage

Bulacan – Isang executive sales manager ng isang kumpanya na nagbebenta ng mga bakery machine ang natagpuang patay matapos na patayin ng di pa nakilalang mga salarin sa daang riles na sakop ng Brgy. Sta. Catalina Bata, San Ildefonso ng lalawigang ito kahapon ng umaga. Kinilala ni SPO3 Jose Ojenar, may hawak ng kaso ang biktima na si Rogelio Morales, 42 anyos na nagtamo ng tatlong tama ng cal . 45 pistol at residente ng # 806 St. Martin Subdivision, Brgy. Ibayo, Marilao ng lalawigang ito at isang empleyado ng Sin-Mag Bakery Machine Corporation na ang punong tanggapan ay sa Sta. Ana, Manila. Bandang alas-8:30 ng umaga ng matagpuan sa lugar ang biktima na pinaniniwalaang sinalvage saka itinapon sa nasabing lugar. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito. (Efren Alcantara )

Show comments