^

Probinsiya

Ama pinatay ang anak dahil sa kinatay na aso

-
Camalig, Albay –Isang 24 anyos na binata ang pinagsasaksak hanggang sa masawi ng sarili nitong ama matapos ang mainitang pagtatalo matapos nitong katayin at gawing pulutan ang alagang aso ng anak sa Brgy. Miti,Camalig, Albay kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na di na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang si Rodeo Nabor, binata, estudyante habang ang suspek na agad namang nasakote ng mga awtoridad ay nakilala namang si Ruben Nabor, isang magsasaka; kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi matapos na umuwi ang biktima at hanapin ang alagang aso na isinumbong ng kapatid nitong kinatay saka ginawang pulutan ng kanilang ama.

Dahil dito ay sinugod ng binata ang kaniyang ama at sinumbatan sa pagpatay sa kaniyang mahal na alagang aso na ikinagalit naman ng matanda.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ama na nauwi sa pamamaslang sa biktima. (Ed Casulla)

ALBAY

BATAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRGY

DAHIL

ED CASULLA

ISANG

MITI

RODEO NABOR

RUBEN NABOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with