^

Probinsiya

Pulis todas sa holdaper

-
Antipolo City – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na nangholdap sa isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Marcos highway, Brgy. Mayamot ng lungsod na ito.

Ang biktima na agarang namatay sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa cal. 22 kalibre ng magnum ay nakilalang si PO2 Eduardo Correa, 35-anyos, nakatalaga sa Las Piñas Mobile Patrol Unit at residente ng Sitio Igiban, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Ayon kay SPO1 Rodel Semacio, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Marcos highway, Brgy. Mayamot ng naturang siyudad.

Nabatid na pauwi na sa kanilang tahanan ang biktima galing sa duty sakay ng isang pampasaherong jeepney na may plakang NXW -918 kasama ang ilang pasahero ng maglabas ng baril ang mga suspek at magdeklara ng holdap.

Habang nililimas ng mga suspek ang pera at mahahalagang gamit ng mga pasahero ay napansin ng isa sa mga ito ang nakabukol na baril sa beywang ng biktima kaya mabilis itong pinaputukan ng dalawang beses sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang panghoholdap ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Nagsasagawa na ng malawakang manhunt operation ang pulisya ng Antipolo laban sa naturang grupo ng mga holdaper. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

BRGY

EDUARDO CORREA

EDWIN BALASA

LAS PI

MAYAMOT

MOBILE PATROL UNIT

RODEL SEMACIO

SITIO IGIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with