^

Probinsiya

3 salesmen huli sa pekeng sigarilyo

-
Balanga, Bataan –Tatlong salesman ang dinakip ng mga operatiba habang nagde-deliver ng mga pekeng sigarilyo sa mga stall sa loob ng Greater Balanga City Public Market noong Biyernes.

Kinilala ni Supt. Arnold Gunnacao, Bataan Police Deputy Director for Operation ang mga suspek na sina Anthony Arandela, 35; Jessie Lameta, 19; at Wilson Bonabra, 18; pawang mga residente ng Brgy. Dolores, San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa pulisya, humingi ng tulong sa kanila si Jerry Chang, supervisor ng Fortune Tobacco Corporation matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang mga kliyente na nakakabili sila ng mga pekeng sigarilyo mula sa kanilang mga bagong salesman.

Nakuha sa mga suspek ang 50 ream ng Winston cigarette na nakalulan sa isang aluminum van na may plakang TTR-945.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines. (Ulat ni Raffy Viray)

ANTHONY ARANDELA

ARNOLD GUNNACAO

BATAAN POLICE DEPUTY DIRECTOR

FORTUNE TOBACCO CORPORATION

GREATER BALANGA CITY PUBLIC MARKET

INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES

JERRY CHANG

JESSIE LAMETA

RAFFY VIRAY

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with