Trader dinukot, tinodas
March 13, 2005 | 12:00am
Rodriguez, Rizal Isang negosyante ang dinukot at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ni Rizal Provincial Director Leocadio Santiago, Jr. ang biktimang si Cesario Fajardo, 53, ng Felix Ano Compound, Brgy. Balete, Rodriguez, Rizal.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa kahabaan ng J.P. Rizal St. ng nasabi ring barangay.
Nabatid na inarkila ng tatlong suspek ang isang Isuzu Highlander na may plakang DXL-126 ni Edgardo Ycay, 34, at sinabihang ipagmaneho na sila dahil may kukunin lamang na mahalagang bagay.
Subalit pagsapit sa J.P. Rizal, mabilis na nagsibaba ang tatlong suspek at nang mamataan ang biktima ay sapilitang itong isinakay sa nasabing sasakyan.
Dahil dito, mabilis na tumakbo si Ycay nang makitang dinukot ng tatlo ang biktima at saka nagtungo sa pulisya upang humingi ng tulong.
Agad namang rumesponde ang pulisya subalit naabutan nila na patay na ang biktima sanhi ng dalawang tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Natagpuan ito sa tabi ng inarkilang sasakyan ng mga suspek sa kahabaan ng Sitio. Wawa, Brgy. San Rafael ng nasabing bayan.
Nagsasagawa pa rin ng follow-up operation ang pulisya upang malaman kung ano ang motibo ng mga suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended