4 kidnaper nasakote

LAGUNA – Apat na sibilyan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong kidnap-for-ransom ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon sa Saint Francis 3, Barangay Nueva, San Pedro, Laguna kamakalawa ng umaga. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina: Benifredo "Benny" Acabal; Lyndon Zamora; Angelito Guban at Cristina Crisol.

Sa ulat, ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Aurelio G. Icasiano Jr. ng Regional Trial Court Branch 23 sa Trece Martirez City, Cavite. Si Acabal na may nakabinbing kasong kidnapping at may patong sa ulo na P.3-milyon ay nakumpiskahan ng dalawang granada, hindi nabatid na gramo ng shabu at Nissan Sentra (EST-858). (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments