Ito ang kinumpirma kahapon sa isang phone interview ni Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Agustin Demaala.
Ayon kay Demaala, dakong alas-10:45 ng umaga kamakalawa habang nagsasagawa ng clearing operations ang Armys 35th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Abrao nang makasagupa ang may 80 MBG at ASG sa bahagi ng kagubatan ng Lanao Dakula, Parang, Maguindanao.
Ang palitan ng putok ay tumagal ng 3 oras na ikinasawi ng limang sundalo at ikinasugat ng lima pa sa mga ito habang ayon pa kay Demaala ay mahigit sa sampu naman ang nalagas sa mga kalaban.
Magugunita na umaabot na sa 38 sundalo ang nasawi habang mahigit 80 ang nasugatan sa giyera sa Sulu. Sa panig ng MBG/ASG ay mahigit sa 100 ang nasawi simula noong Pebrero 7 ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)