^

Probinsiya

5 kawal, 10 rebelde todas sa labanan

-
CAMP AGUINALDO – Limang sundalo at tinatayang mahigit sa sampung nagsanib na puwersang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) renegades at Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang lima pa sa tropang gobyerno ang nasugatan sa pagsiklab muli ng bakbakan ng magkabilang puwersa sa Sulu, ayon sa ulat kahapon.

Ito ang kinumpirma kahapon sa isang phone interview ni Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Agustin Demaala.

Ayon kay Demaala, dakong alas-10:45 ng umaga kamakalawa habang nagsasagawa ng clearing operations ang Army’s 35th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Abrao nang makasagupa ang may 80 MBG at ASG sa bahagi ng kagubatan ng Lanao Dakula, Parang, Maguindanao.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng 3 oras na ikinasawi ng limang sundalo at ikinasugat ng lima pa sa mga ito habang ayon pa kay Demaala ay mahigit sa sampu naman ang nalagas sa mga kalaban.

Magugunita na umaabot na sa 38 sundalo ang nasawi habang mahigit 80 ang nasugatan sa giyera sa Sulu. Sa panig ng MBG/ASG ay mahigit sa 100 ang nasawi simula noong Pebrero 7 ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

ABRAO

ABU SAYYAF GROUP

AGUSTIN DEMAALA

AYON

DEMAALA

INFANTRY BATTALION

JOINT TASK FORCE COMET COMMANDER BRIG

JOY CANTOS

LANAO DAKULA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with