^

Probinsiya

4 tiklo sa pekeng pera

-
SOLANO, Nueva Vizcaya – Apat-katao na pinaniniwalaang responsable sa pagpapakalat ng mga pekeng salapi ang nadakma ng mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Inps. Francisco Palattao Jr. police chief ng Solano PNP, ang mga suspek na dumayo pa mula Maynila upang magkalat ng mga pekeng pera ay nakilalang sina Elmie Manzon, 45; Valeriano Ferrarri, 44, kapwa naninirahan sa #133 Quezon Avenue, Quezon City; Danilo Cuaresma, 50, #209 Del Pilar St. Pasig City; at Domingo Calumot ng Lourdes Subd., Antipolo City.

Sa imbestigasyon ni P02 Henry Valenzuela, ang mga suspek ay bumibili sa mga tindahan partikular na sa gasolinahan at ang ibinabayad ay pawang pekeng pera.

Dahil sa reklamo ng mga may-ari ng tindahan ay agad na inatasan ni Palattao ang kanyang mga tauhan sa tulong na rin ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office at Bambang-PNP Police na magsagawa ng malawakang operasyon laban sa mga suspek.

Namataan naman ang mga suspek sakay ng kulay maroon na Tamaraw FX na walang plaka habang nagpapagasolina.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Tamaraw FX na kanila, 3-piraso ng pekeng US dollar (US$50) at 19-pirasong pekeng P1,000 na umaabot sa P22,000. (Ulat ni Victor Martin)

ANTIPOLO CITY

BAMBANG

CHIEF INPS

DANILO CUARESMA

DEL PILAR ST. PASIG CITY

DOMINGO CALUMOT

ELMIE MANZON

FRANCISCO PALATTAO JR.

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with