Alkalde ng GMA,Cavite sinaksak ng kaanak
March 12, 2005 | 12:00am
CAVITE Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang mayor sa bayan ng General Mariano Alvarez makaraang pagsasaksakin ng kanyang pinsang lalaki na pinaniniwalaang may sayad sa pag-iisip sa Barangay De las Alas sa bayang ito kahapon ng umaga.
Kasalukuyang nakaratay sa De La Salle University Hospital si Mayor Walter Echevaria na nagtamo ng tatlong sugat sa katawan mula sa ginamit na patalim ng suspek na si John Meonada, 48.
Ayon kay P/Chief Insp. Randolf Tuaño, police chief ng GMA, humingi ng tulong ang mga residente kay Mayor Echevaria para sawatain ang suspek sa pambabato ng mga bahay at paghahamon ng away sa sinumang makasalubong sa kalsada.
Agad namang tinugon ng nasabing alkalde kasama ang tatlong sibilyang security aides ang kahilingan ng mga residente.
Bandang alas-8:30 ng umaga nang pasukin ni Mayor Echevaria ang bahay ng kanyang kaanak na si John upang pakiusapan, subalit sa pag-aakalang kalaban ang alkalde ay inundayan ito ng ilang saksak sa katawan.
Maagap naman ang mga security aide na sina Efren Mercader; George Templonuevo at Rufino Macalinao matapos na mabaril sa magkabilang kamay ang suspek at nailayo kay Mayor Echevaria.
Naisugod naman ang nasabing alkalde sa De La Salle University sa Dasmariñas, habang dinala naman ang suspek sa GMA Medical Hospital. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest